PCAB exec Matienzo nagbitiw sa puwesto
MANILA, Philippines — Nagbitiw sa puwesto si Philippine Contractors Accreditation Board (PCAB) Executive Director Atty. Herbert Matienzo.
Ito’y kasunod lang ng pagbawi ng mga lisensya ng mga kumpanyang pag-aari ni Sarah Discaya na isinasangkot sa diumano’y maanomalyang flood control projects.
Ang ulat ay mula sa pagkumpirma ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Maria Cristina Roque na ang pagbibitiw ni Matienzo nitong Miyerkules lang ay personal ang dahilan.
Noong Miyerkules ay inihayag ni Roque na inilagay niya ang Construction Industry Association of the Philippines (CIAP) at ang mga implementing board o PCAB, sa ilalim ng kanyang direktang pangangasiwa.
Ang hakbang ay matapos niyang ibunyag ang pagbuo ng isang fact-finding team na mangasiwa sa imbestigasyon sa PCAB kasunod ng mga alegasyon na may conflict of interest, at iregularidad sa pagbibigay ng accreditation at potensyal na pang-aabuso sa kapangyarihan sa gitna ng patuloy na pagsisiyasat sa mga anomalya sa flood control project.
- Latest

















