^

Bansa

Korapsyon sa pag-iisip, malaking banta sa kapayapaan — NTF-ELCAC

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinabi ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Executive Director Undersecretary Ernesto C. Torres Jr. na pinakamabigat na banta sa kapayapaan ay hindi lamang ang pagnanakaw ng pondo ng bayan, kundi ang pagkasira ng isipan ng Pilipino.

Inihayag ito ni Torres kasabay ng paggunita ng Peace Month ngayong Setyembre at batay sa testimonya ng mga dating rebelde, partikular ng mga kabataan na paulit-ulit na lumalabas na ang sistematikong katiwalian ay ginagamit ng CPP-NPA-NDF upang hika­yatin silang sumapi sa armadong pakikibaka.

Binalaan niya na tinatarget ng mga rebelde ang idealismo ng kabataang Pilipino, mga estudyante, at maging mga lingkod-bayan, sa pamamagitan ng pagbabaluktot ng mga lehitimong isyu bilang kasangkapan sa pagrerekrut.­

Binigyang-diin ng opisyal na ang mga paaralan, pamantasan, at mga pook pamayanan ay dapat manatiling mga santuwaryo ng talakayan at pakikilahok sa demokrasya—hindi mga entablado ng marahas na ekstremismo.

Ang mga ito, dagdag ni Torres, ay mga halimbawa kung paanong pinasok ng CPP-NPA-NDF ang mga lehitimong plataporma, na ginagawang marahas na radikalismo ang sigla ng kabataan.

TASK FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with