PANUORIN: Marcos handang magpa-lifestyle check
MANILA, Philippines — Handang sumailalim si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa lifestyle check kasabay ng kanyang direktiba na imbestigahan ang umano’y iregularidad sa mga flood control projects ayon sa Malacañang.
Bukas rin si Marcos sa pagpapalabas ng kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) kung kinakailangan.
Iniutos ni Marcos ang pagsasagawa ng lifestyle check sa lahat ng opisyal ng gobyerno, simula sa Department of Public Works and Highways (DPWH), kasunod ng natuklasang iregularidad sa mga flood control project.
Binigyang-diin ni Castro na ang direktiba ng Pangulo ay hindi dapat gawing isyung pampulitika kundi hakbang para papanagutin ang mga sangkot sa anomalya.
Personal na ininspeksyon ng Pangulo ang 11 flood control projects sa Marikina, Iloilo, Bulacan at Benguet matapos makatanggap ng mga reklamo mula sa Sumbong Sa Pangulo portal.
Umabot na sa 9,020 ang reklamong natanggap kaugnay ng mga kuwestiyonableng flood control projects hanggang nitong Miyerkules.
- Latest


















