^

Bansa

Chinese ‘sleeper agents’ nasa Pinas na – Lacson

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Chinese ‘sleeper agents’ nasa Pinas na – Lacson
Nagsagawa ng public hearing ang Senate Committee on National Defense and Security, Peace, Unification and Reconciliation kaugnay ng mungkahing New Anti-Espionage Act kasunod ng ulat na nakapasok na sa Pilipinas ang mga Chinese “sleeper agents” at mga operatiba ng People’s Liberation Army (PLA) upang magsagawa umano ng pag-espiya.
Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Nagbabala si Sen. Panfilo Lacson na may mga Chinese “sleeper agents” at maging mga operatiba ng People’s Liberation Army (PLA) ng China ang nakapasok na sa Pilipinas upang magsagawa ng pag-espiya o espionage.

Sinabi ni Lacson na dapat magsagawa na ng tuluy-tuloy na follow-up o pursuit operations laban sa mga naaresto sa mga naunang anti-espionage operations.

“The whole network of espionage operations must be dismantled or at least decimated to a large degree kasi agents come and go. Inaresto mo, may papalit diyan. And I have on good information na maraming sleeper agents, even regular members of PLA na nandito. Widespread eh,” ani Lacson sa pagdinig ng Senate defense committee.

“Time is of the essence. Continuing ang kanilang espionage ops and right now ang ina-apply natin is Commonwealth Act 616,” dagdag ni Lacson.

Binanggit din ni Lacson ang ulat kung saan may naarestong Tsino dahil sa pag-espiya sa maraming lugar, kabilang ang Palawan, Makati, Dumaguete, at malapit sa Camp Aguinaldo, Commission on Elections sa Manila, at Malacañang.

Sa pagdinig, iniulat ni Atty. Ferdinand Lavin ng National Bureau of Investigation (NBI) na sa hindi bababa sa anim na operasyon, 19 dayuhan ang kanilang naaresto sa hinalang espiya.

Sa 19 naaresto, 13 ang Chinese, lima ang Pilipino, at isa ang Cambodian.

Ayon kay Lavin, ang mga Pilipino ay nagsilbing guide, driver o aide lamang na ginamit bilang kasangkapan.

Binigyang-diin ni Lacson ang pangangaila­ngan ng tuluy-tuloy na hot pursuit operations laban sa iba pang sangkot, kabilang ang mga matutukoy mula sa tactical interrogation ng mga nahuli.

Hinikayat din ni Lacson ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) na i-freeze ang mga ari-arian ng mga sangkot sa espionage, katulad ng ginawa nila sa kaso ng dating alkalde na si Alice Guo.

PLA

SENATE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with