^

Bansa

50% discount ng students sa LRT, MRT hanggang 2028

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
50% discount ng students sa LRT, MRT hanggang 2028
The Department of Transportation (DOTr) began implementing a 50% discount on June 21, 2025 for all students riding the LRT-1, LRT-2, and MRT-3. Students will only need to show their valid school ID or proof of enrollment to get the discount.
Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Magtatagal hanggang sa taong 2028 ang 50% fare discount para sa mga estudyante sa Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT).

Alinsunod na rin ito sa direktiba ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na pagaanin ang mga education-related expenses ng mga estudyante.

Nabatid na ang naturang fare discount, na naging epektibo noon pang Hunyo 2025, ay aplikable para sa mga estudyante mula sa kindergarten hanggang graduate school.

Kasama rin dito ang mga estudyante ng Alternative Learning System (ALS) at Special Education (SPED) programs.

Sa ilalim ng programa, ang mga eligible na estudyante ay makakatanggap ng 50% diskwento sa pasahe, tuwing sasakay sila ng tren, ng walang daily o monthly limit.

Ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara, “Kapag nakakatipid ng pamasahe ang isang pamilya, mas mara­ming oportunidad para magamit ito para sa mga aklat at educational tool na kailangan nila. Malaking ginhawa ito para sa ating mga estudyante.”

Kinumpirma naman ng DOTr na ang proyekto ay ipinatutupad na ng lahat ng Metro Manila train lines.

Nakatakda na rin umano nilang ikasa ang pilot “Libreng Sakay” programs sa Cebu at Davao, gamit ang mga modernong jeepney at mga bus sa mga piling ruta.

Upang maka-avail ng diskuwento, kinakailangan lamang ng estudyante na iprisinta ang kanyang valid school ID o enrollment form.

Inianunsiyo na rin naman ni DOTr Secretary Vince Dizon kamakailan na simula sa Setyembre ay magiging available na sa mga train stations ang special white Beep cards para sa mga mag-aaral, upang awtomatikong makakuha ng discount sa pagsakay sa mga naturang train lines.

METRO RAIL TRANSIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with