China Coast Guard lumapit na sa Manila Bay

MANILA, Philippines — Isang barko ng China Coast Guard (CCG) ang namataan malapit sa Manila Bay kahapon, sinasabing upang harangin sana ang isang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) na patungong general area ng Bajo de Masinloc.
Ayon kay Ray Powell, founder ng maritime tracker na SeaLight, ang CCG 3306 ay namataan sa labas ng 24-nautical-mile contiguous zone ng Pilipinas at tila tinatangka umano nitong masabat ang BRP Cape San Agustin.
Matatandaang ang CCG 3306 ay siya ring barko na gumamit ng water cannon laban sa barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na BRP Datu Bangkaya sa Bajo de Masinloc noong Lunes, ngunit hindi nito tinamaan ang target.
“A Chinese escort has been assigned to the Philippine Coast Guard’s BRP Cape San Agustin. China Coast Guard 3306 waits just outside Manila Bay for it to emerge,” ani Powell, sa isang post sa X (dating Twitter).
“China seems determined to intercept and escort any Philippine ship mobbing in Scarborough Shoal’s general direction,” anito pa.
Idinagdag pa ni Powell, na isang Chinese research vessel din ang naispatan, may isang kilometro lamang ang layo sa Bajo de Masinloc, nitong Biyernes ng umaga.
“In a surprise and unusual development, China’s research ship Xiang Yang Hong 10 has deployed to Scarborough Shoal. It left Fiery Cross Reef on August 12,” ani Powell.
“Its purpose there is unknown, but its capabilities include deep-sea surveying, resource exploration and deploying autonomous underwater vehicles,” dagdag pa niya.
Nabatid na regular na mino-monitor ni Powell ang galaw ng mga barko sa South China Sea, kung saan matatagpuan din ang West Philippine Sea (WPS).
- Latest























