^

Bansa

Pangulong Marcos sa China: Mag-warning muna bago magpasabog ng rocket

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos sa China: Mag-warning muna bago magpasabog ng rocket
President Ferdinand R. Marcos Jr. and Indian Prime Minister Narendra Modi deliver their statements during a joint press conference at Hyberbad House in New Delhi, India, on Aug. 5, 2025.
Noel B. Pabalate / PPA Pool

MANILA, Philippines — Para maibsan ang panganib na dulot ng pagpapasabog ng rocket o debris fall sa karagtan ng Pilipinas, nanawagan si Pa­ngulong Ferdinand Marcos Jr. sa China na magbigay muna ng maagang warning bago magpasabog ng rocket.

Sinabi ng Pangulo na hindi ito ang unang pagkakataon na bumagsak sa karagatan ng Pilipinas ang suspected Chinese rocket debris.

Ayon pa kay Marcos, umaasa siya na kahit papaano ay magbibigay muna ng warning ang China para malaman kung saan ang direksyon ng rocket at kung magbibitaw sila ng stages kung saan babagsak.

“There have been no casualties… the good side to all of this, wala naman casualty. Wala naman tinamaan. Hindi naman nagka-problema,” pahayag ng Pangulo.

Ipinaabot na rin aniya ni Pa­ngulong Marcos kay Chinese President Xi Jinping na walang interes ang Pilipinas sa kanilang rocket.

“You know, we have no interest in your rockets. Just tell us where they will land, we will collect it and give it to you. And that continues to be my offer to China. ‘Pag may babagsak, kukunin namin sa dagat tapos dadalhin namin sa inyo. Wala naman problema,” pahayag pa ni Marcos.

Kamakailan lamang ay nabulabog ang bahagi ng Palawan nang marinig ang pagsabog sa Long March 12 rocket ng China.

ROCKET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with