^

Bansa

Relief Ops ng Grab, Move It, driver volunteers umarangkada

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kasunod ng matinding buhos ng ulan at pagbaha sa Luzon sa mga nakaraang linggo, kumilos ang Grab at Move It para maghatid ng ayuda sa ilang mga komunidad. Sa pakikipagtulungan ng mga lokal na driver community leaders at daan-daang volunteer riders at drivers, isinagawa ang malawakang relief operations sa mga area na tinamaan ng kalamidad sa Greater Metro Manila at mga karatig probinsya.

Personal na nagtungo ang mga mga volunteers sa mga apektadong lugar tulad ng Marikina, Las Piñas, Cavite, Valenzuela, Navotas, at Malabon. Kanila ring binisita ang ilang siyudad sa Pampanga, Bulacan, Baguio, at Olongapo.

Libu-libong Grab at Move It partners at kanilang mga pamilya ang nabigyan ng relief packs na may lamang bigas, de-lata, noodles, biskwit, kape, at mga gamot.

Patunay ito sa matibay na paninindigan ng Grab at Move It — kasama ang kanilang mga partners — na laging handang tumugon at magmalasakit sa gitna ng sakuna.

“Ang ating mga drivers at riders ay nagsisilbing haligi ng ating serbisyo sa araw-araw ,” ayon kay Ronald Roda, Managing Director ng Grab Philippines. “Sa panahon ng pangangailangan, lalong kailangang ipakita ang ating nagkakaisang malasakit para sa bawat isa. Hindi lamang kami katuwang sa pang-araw-araw na hanap-buhay, kung hindi pati na rin sa mga oras ng pangangailangan.”

GRAB

MOVE IT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with