^

Bansa

Ex-Palawan Governor Reyes hinatulan ng 66 taon kulong

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Ex-Palawan Governor Reyes hinatulan ng 66 taon kulong
2015 PNP booking photo of former Palawan governor Mario Joel Reyes.
PNP photo

MANILA, Philippines — Hinatulan ng Sandiganbayan na makulong ng 66 na taon si dating Palawan Governor Mario Joel Reyes at kapwa akusado kaugnay ng Malampaya gas projects.

Sa 625 pahinang desisyon ni Presiding Justice Geraldine Faith Econg, napatunayan na si Reyes at kapwa akusado na sina dating provincial Planning and Development Coordinator Samuel Madamba II, dating quality control division Chief Alfredo Padua at Engineers Rolly Matudio at Bayani Buenaventura at iba pa ay guilty sa kasong paglabag sa section 3 ng Anti Graft and Corrupt Practices Act.

Ang desisyon ay kapapalooban ng 159 criminal charges, graft at falcification of public documents na may kinalaman sa halos 39 infrastracture projects sa Palawan na pinondohan ng share ng lalawigan sa multi bilyong pisong Malampaya natural gas revenues.

Napatunayan ng Sandiganbayan na guilty sina Reyes sa 11 bilang ng kasong graft kaugnay ng maling paggamit ng P1.53 bilyon na royalties mula sa Malampaya Gas Field noong 2009.

Sinentensiyahan sina Reyes na makulong ng mula anim hanggang 10 taon para sa bawat bilang ng kasong katiwalian —na may kabuuang sentensiyang 66 taon na pagkakakulong.

Ang P1.53 bilyon na halaga ng Malampaya Gas Field royalties ay ginastos umano sa pagtatayo ng mga school building, San Vicente Airport Development Project, mga road project, solar home system, at day care center.

Ayon sa graft court, nagpakita ng pagkiling ang akusadong si Reyes nang mali nitong suriin ang bid proposal at igawad ang napakarami at magkakasunod na kontrata sa iisang contractor.

MARIO JOEL REYES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with