^

Bansa

Interest rates sa calamity loan binabaan ng SSS

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binabaan pa ng Social Security System (SSS) ang interest rate sa Calamity Loan Program (CLP).

Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Robert Joseph M. De Claro, maglalabas ang kanilang hanay ng revised guidelines sa CLP para gawing 7% mula sa 10% ang interest rate sa calamity loan.

Ito ay para matulungan ang mga residente na nasa ilalim ng State of Calamity dulot ng bagyong Crising at iba pang kalamidad.

Paglilinaw ni De Claro, ibibigay lamang ang mababang interest rate sa mga miyembro ng SSS na may magandang good credit records.

Papayagan na rin ng SSS ang calamity loan renewal matapos ang anim na buwan. Nasa isang buwang salary credit ang maaring mai-loan ng miyenbro.

May 30 calendar days ang mga miyembro na mag-apply ng loan matapos ianunsyo o mailathala sa mga pahayagan ang CLP.

Kinakailangan na may 36 buwang hulog ang miyembro bagi makakuha ng loan. Maaring bayaran ang loan sa loob ng dalawang taon.

CLP

SSS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with