^

Bansa

OVP spox: ‘Di ako konektado kay Atong Ang

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nilinaw kahapon ng bagong spokesperson ng Office of the Vice President (OVP) na si Ruth Castelo na hindi na siya konektado sa negosyanteng si Charlie “Atong” Ang.

Ayon kay Castelo, 2007 pa nang maging kliyente niya si Ang dahil sa kasong plunder.

Gayunman, natapos aniya ang kanilang client-to-lawyer relationship nang makalabas na si Ang sa detention facility sa Bicutan noong 2009.

Ipinaliwanag pa ni Castelo na sa ngayon ay nananatili silang magkaibigan ni Ang ngunit wala umano siyang kinalaman sa anumang mga aktibidad nito.

Matatandaang si Ang ang itinuturong umano’y utak sa pagkawala ng mga sabungeros, na sinasabing itinapon sa Taal Lake.

RUTH CASTELO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with