^

Bansa

Makati subway project ‘abot tanaw’ na

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Makati subway project ‘abot tanaw’ na
Ayon kay dating Makati Mayor Abby Binay-Campos, inaasahan niyang mananalo ang lungsod sa nagaganap na arbitration case sa SIAC para lubos na makamit ng Makati City ang pagmamay-ari ng Makati City Subway Inc. (MCSI).
STAR/ File

MANILA, Philippines — Inaasahang makokontrol ng lungsod ng Makati ang Makati Subway Project kapag napagtibay ng Singapore International Arbitration Centre (SIAC) ang kasunduang magwawakas sa legal na usapin sa pagitan ng LGU at dating private partner nito.

Ayon kay dating Makati Mayor Abby Binay-Campos, inaasahan niyang mananalo ang lungsod sa nagaganap na arbitration case sa SIAC para lubos na makamit ng Makati City ang pagmamay-ari ng Makati City Subway Inc. (MCSI).

Ito’y matapos bayaran ng siyudad ang private partner nito na Philippine InfraDev Holdings, Inc. ng $160 milyon bilang kapalit sa mga naunang ginastos ng kumpanya sa hindi natuloy na subway project. Nakabatay ang halaga sa audit ng kilalang international auditing firm na PricewaterhouseCoopers.

Bilang kapalit, mapapasakamay ng Makati City ang $1.6 bilyong halaga ng mga ari-arian ng joint venture company kabilang na ang mga lupain, feasibility studies at maging detailed engineering plans ng subway project.

Nilulutas sa arbitration ang ilang taong pagtatalong legal sa pagitan ng pamahalaang lungsod at InfraDev matapos mabitin at hindi matuloy ang subway project.

Magbibigay-daan din ito sa lungsod na isulong ang subway project na mag-isa o kasama ang bagong kasosyo.

Ang naturang proyekto ay orihinal na inilunsad noong 2019 bilang isang Public Private Partnership (PPP) project ng Makati City at Philippine InfraDev Holdings, Inc.

Maaalalang nahirapan ang subway project dahil sa COVID-19 at sa desisyon ng Korte Suprema noong 2021 na naglipat ng mahahalagang barangay sa Taguig City na nagbunsod sa $1.7 bilyong claim ng InfraDev laban sa Makati LGU.

Kinontra naman ito ng Makati bilang hindi inaasahan o isang “force majeure” na pangyayari.

Ayon sa dating alkalde, maaari namang ituloy ng bagong administrasyon ng Makati ang pakiki­paglaban sa kaso ngunit mayroon ding peligro o risk na matalo ang siyudad at magdulot ng $1.7 bilyong pagkalugi sa LGU.

MAKATI SUBWAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with