^

Bansa

Tulfo tatrabahuing maibalik NFA rice sa palengke

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Uunahing trabahuin ni incoming Senator-elect Erwin Tulfo sa pagbubukas ng sesyon ng Senado ngayong Hulyo ang maibalik muli sa mga palengke ang NFA rice.

Ayon kay Tulfo, kailangan munang balikan at i-adjust ang ilang probisyon sa Rice Tarificarion Law (RTL) o ang Republic Act. 12078.

Inalisan ng kapangyarihan ang NFA ng nasabing batas na magbenta ng bigas sa mga palengke.

Maari lang itong bumili ng bigas sa mga magsasaka o mag-angkat ng ­bigas mula sa ibang bansa para gawing “buffer stock” ng bansa.

“At dahil inalis sa NFA ang pagbenta ng murang bigas sa palengke, tanging mga traders at importers na lang ang nagbebenta ng bigas sa merkado ­ngayon”, ani Tulfo.

Dagdag pa ng mambabatas, “At dahil wala ng murang bigas mula sa NFA, kontrolado na ng mga cartel ang presyo ng bigas sa palengke”.

Inalis sa NFA ang pagbenta ng bigas sa mga palengke dahil sa umano’y malawakang korapsyon sa nasabing ahensya.

“Inalis mo nga sa NFA ang pagbenta ng bigas, ang sambayanan naman ang nagdusa,” ani Tulfo.

Dagdag pa niya, “Trabaho ng Ombudsman ang magbantay ng mga ahensya at opisyal na ­korap di ba?”

ERWIN TULFO

RTL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with