TUPAD suportado ng TRABAHO

MANILA, Philippines — Muling pinagtibay ng TRABAHO Partylist ang suporta nito sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program ng Department of Labor and Employment (DOLE), bilang isang mahalagang hakbang sa pagbibigay ng tulong at oportunidad sa mga nasa laylayan na sektor sa bansa sa pamamagitan ng emergency employment at skills training.
Sa isang kamakailang inisyatiba, 15 babae na persons deprived of liberty (PDLs) mula sa Puerto Princesa City Jail ang sumailalim sa TUPAD training program.
Layunin ng programa na ihanda sila sa pagbabalik sa lipunan matapos ang kanilang pagkakakulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kasanayang maaaring gamitin sa paghahanapbuhay.
Isa ito sa mga hakbang ng gobyerno upang matiyak na walang Pilipinong maiiwan sa pag-angat at pagbangon ng bayan.
Ang TUPAD ay nagbibigay ng panandaliang trabaho at suporta sa kabuhayan para sa mga nawalan ng trabaho, kulang sa trabaho, pansamantalang manggagawa, at iba pang nangangailangang sektor.
- Latest

























