^

Bansa

VP Sara kinuwestyon sa ambag sa bayan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinuwestiyon ni House Majority Leader at La Union 1st District Rep. Paolo Ortega V si Vice President Sara Duterte kung ano ba ang naiambag nito para sa pagpapaunlad at pagsulong ng bansa.

“Ano ba talaga ang naitulong mo sa bayan bilang Bise Presidente? Imbes na tumulong, parang puro gulo at pag-iwas ang naging ambag mo,” tanong ni Ortega kay VP Sara na bigo pa ring ipaliwanag kung saan ginasta ang P612.5 milyong confidential fund.

“Kung ngayon pa lang, hindi mo na maipaliwanag kung sino ang mga peke at katawa-tawang pangalan katulad nina Mary Grace Piattos, Jay Kamote, Pampano, at kung sinu-sino pa sa mga confidential funds mo, paano pa sa impeachment trial? Lalo ka lang mababaon,” sabi ni Ortega.

Kasama sa P612.5 milyon ang P125 milyon na naubos sa loob lamang ng 11 araw, batay sa ulat ng Commission on Audit.

Ayon kay Ortega, panay ang pag-atake ni VP Sara sa P6.352 trilyong 2025 national budget ng pamahalaan pero bigo namang magpaliwanag kung saan napunta ang pondo ng bayan na bahagi ng kaniyang confidential fund.

PAOLO ORTEGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with