^

Bansa

Kalidad ng Senate bets sa 2025 polls, ‘dumausdos’ - pol. Analyst

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Kalidad ng Senate bets sa 2025 polls, ‘dumausdos’ - pol. Analyst
Sa isang episode ng ­“BaliTapatan” ng Teleradyo Serbisyo, sinabi ni political analyst Edna Co, na dati ring dean ng UP National College of Public Administration and Governance, sa ilalim ng 1987 Constitution, ang mga kandidato sa pagka-senador ay dapat na isang natural-born Filipino citizens, nasa 35-anyos, literate, at rehistradong botante.
Senate PRIB / Released

MANILA, Philippines — Naniniwala ang isang political ­analyst na ‘dumausdos’ ang kalidad at karakter ng mga kandidato sa pagka-senador sa May 12 midterm polls.

Sa isang episode ng ­“BaliTapatan” ng Teleradyo Serbisyo, sinabi ni political analyst Edna Co, na dati ring dean ng UP National College of Public Administration and Governance, sa ilalim ng 1987 Constitution, ang mga kandidato sa pagka-senador ay dapat na isang natural-born Filipino citizens, nasa 35-anyos, literate, at rehistradong botante.

Gayunman, inaasahan din aniya na ang mga ito ay nagtataglay ng espesyalisasyon dahil ang posisyong kanilang hinahangad ay tatalakay sa mga kumplikadong isyu sa national at international levels.

Dagdag pa niya, ang mga senador ay gagawa rin ng mga batas na hindi lang para sa barangay, munisipyo o siyudad, kundi para sa pangkabuuan ng bansa na napakakomplikado.

“Bakit tayo dumadausdos pababa imbis na paangat tayo na mas magaling ngayon yung set ng mga kandidato?” aniya pa.

Sa kabila nito, hindi naman sang-ayon si Co sa pagpapatupad ng mas mahigpit na guidelines para sa senatorial candidates dahil ang halalan ay nasa kamay pa rin ng pagpili ng mga mamayan.

“Inihahapag sa ating kababayan yung desisyon at ang assumption dito ay matalino rin ang ating mamamayan na boboto,” aniya pa.

Binigyang-diin pa ni Co na ang halalan ay higit pa sa mga kandidato, dahil ito ay tungkol din sa mga botante at sa kakayahan nilang pumili ng mga susunod na lider ng bansa.

Hinikayat pa niya ang mga botante na pumili ng kandidato na may matatag na values at pananaw sa mga isyung kinakaharap ng bansa.

MIDTERM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with