^

Bansa

Bong Go sa OFWs, HCWs: Kayo ang tunay na magiting!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kasabay ng selebras­yon ng Araw ng Kagitingan, binigyang-pugay ni Senator Christopher “Bong” Go ang katapangan at sakripisyo ng Overseas Filipino Wor­ker (OFWs) at Healthcare Workers (HCWs), bilang mga modernong bayani ngayong panahon. 

Binigyang-diin ng senador ang walang hanggang diwa ng paglilingkod at sakripisyo na kinakatawan ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa kabila ng mga hanggahan ng bansa at sa loob ng pinakamahina nitong komunidad.

“Ang kagitingan ngayon ay hindi na lamang nasusukat sa mga laban sa digmaan. Makikita rin ito sa mga OFW na tinitiis ang lungkot at pagod para lang mabigyan ng mas magandang kinabukasan ang kanilang pamilya, at sa mga health workers na walang pag-aalinlangang sumuong sa panganib noong pan­demya at hanggang ngayon upang protektahan ang buhay ng kapwa Pilipino.”

Sinamantala ni Go, pinuno ng Senate committee on health at nagsisilbing vice-chair ng Senate committee on migrant workers, ang pagkilala sa araw-araw na kabayanihan ng OFWs na nagbibigay ng katatagan ng ekonomiya ng bansa at ng HCWs na nagdala ng bigat ng COVID-19 pandemic.

ARAW NG KAGITINGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with