ATeacher binuhusan ng suporta
MANILA, Philippines — Libu-libo ang lumahok sa isinagawang motorcade ng ATeacher Partylist sa Maynila bilang pagpapakita ng suporta sa misyon nito sa May 2025 midterm elections.
Bahagi ng misyon ang pagsusulong ng educational programs at pagsuporta sa mga guro, mag-aaral at sa general public.
Ayon kay ATeacher Partylsit nominee Virginia Rodriguez, sinsero ang kanilang layuning makapaglingkod at hindi sila katulad ng ibang partylist na walang makabuluhang kontribusyon sa kongreso.
Ang ATeacher, na number 137 sa balota ay layon din makapaghatid ng serbisyo sa agricultural community.
Bibigyang pansin nila ang kapakanan ng mga guro sa bansa at magsusulong ng panukala para maging libre ang dialysis sa mga guro na may sakit sa kidney at para mapagkalooban sila ng bitamina na panlaban sasakit na cancer.
Bahagi rin ng prayoridad ng ATeacher ang matulungan ang sektor ng agrikultura na layong mabigyang kaalaman ang mga magsasaka para magkaroon sila ng mas maraming ani upang makatulong sa pagbaba ng presyo ng bilihin.
- Latest