Alyansa pinasok balwarte ni Leni
MANILA, Philippines — Pinasok na ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas ang itinuturing na balwarte ni dating Vice President Leni Robredo sa Camarines Sur.
Isa ang Camarines Sur sa pinakamayamang probinsiya sa buong Pilipinas habang ang Bicol Region ay ika-lima sa mga vote rich region na may apat na milyong botante.
Ang Camarines Sur ay kilalang Leni Robredo country kung saan landslide ang panalo niya sa lugar na higit aa 900,000 votes kumpara sa 100,000 votes ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon sa isa sa mga kandidato ng Alyansa na si Rep. Erwin Tulfo, hindi na dapat tinitingnan ang “political color” ng isang nanunungkulan sa gobyerno dahil sa huli ay mga residente ang natatalo.
Ayon kay ‘Alyansa’ campaign manager Navotas City Rep. Toby Tangco, isang importanteng bahagi ng bansa ang Camarines Sur dahil sa taglay nitong lakas ng ekonomiya, laki ng populasyon at mahalagang papel sa pambansang politika.
Nasa 1.34 milyon ang rehistradong botante sa Bicol.
Titiyakin aniya ng koalisyon na hindi maiiwanan ang Bicol Region sa mga proyektong pang-imprastraktura at mga programang pangkaunlaran.
Ibinabandera ng ‘Alyansa’ slate sina dating DILG Secretary Benhur Abalos, Makati City Mayor Abby Binay, Senator Ramon Bong Revilla, Senator Pia Cayetano, dating Senador Panfilo “Ping” Lacson, Senator Lito Lapid, Senator Imee Marcos, dating Senador Manny Pacquiao, dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III, Senator Francis “Tol” Tolentino, ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo at si Deputy Speaker Camille Villar.
- Latest