Mga Pinoy sa US pinag-iingat sa ‘No King’ protest
MANILA, Philippines — Pinag-iingat ng Philippine Consulate sa New York at Washingtong D.C ang mga Pinoy na sasama sa anumang kilos protesta sa Estados Unidos.
Sinabi ni Consul General Senen Mangalile, na ang freedom of speech ay bahagi ng demokrasya subalit mayroong mga batas na dapat sundin at hindi dapat balewalain.
“Everyone is free to express their views, but this must be done in a way that does not violate any law or legal order. Extra caution should be exercised, and at no time should anyone engage in violence or acts that could be considered a crime,” pahayag pa ni Mangalile.
Ang abiso ay ginawa dahil sa ikinakasang “No King” protest sa ibat ibang bahagi ng America, bilang pagtutol sa large-scale immigration crackdown sa ilalim ng administrasyon ni US President Donald Trump.
Pinaalalahan din ng Philippine Consulate sa New York ang mga Pinoy na nagpaplanong sumama sa mga kilos protesta na sundin mabuti ang guidelines na ipapatupad ng New York Police Department (NYPD).
Habang ang Philippine Embassy sa Washintong D.C ay nanawagan sa mga Filipino na planong sumali sa mga kilos protesta na manatiling mapayapa at tahimik.
- Latest