DICT Secretary Uy nagbitiw
MANILA, Philippines — Nagbitiw na sa pwesto si Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy.
Ito ang kinumpirma ni Palace Press officer Atty. Claire Castro.
Ayon kay Castro. tinanggap na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibitiw ni Uy.
Magtatalaga aniya ng officer in charge (OIC) ang Pangulo habang wala pang napipiling kapalit si Uy.
“DICT Sec Ivan john Uy’s resignation was accepted by the President today. An OIC will fill the position until the President appoints a secretary.” base sa isang viber message ni Castro.
Nauna nang napaulat na nagpasa na ng resignation letter si Uy sa Malakanyang dahil sa hinaharap nitong mga batikos dulot ng madalas na pagbibiyahe sa labas ng bansa at naapektuhan ang ahensiya dahil sa kanyang perfomance.
- Latest





















