^

Bansa

8-anyos isinama sa ‘practice driving’ ng motor, pisak sa trak!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
8-anyos isinama sa ‘practice driving’ ng motor, pisak sa trak!
The map shows Cebu City
Google Map

MANILA, Philippines —  Patay ang isang 8-anyos na batang babae matapos masagasaan ng trak habang sakay ng motorsiklo na nagsasagawa ng ‘practice driving’ sa Minglanilla, Cebu nitong Martes ng gabi.

Ayon sa ulat, isinama lamang ang biktima ng kanyang tiyuhin para mag-practice ng pagmamaneho sa bago nilang motorsiklo nang maganap ang aksidente.

Sa imbestigasyon ng Minglanilla Traffic Commission, nawalan ng balanse ang tiyuhin ng biktima kaya natumba ang motorsiklo at tumilapon ang biktima.

Eksaktong dumaan ang truck na may kargang semento, na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.

Napag-alaman na residente sa Cebu City ang biktima at pumasyal lang sa kaniyang lola.

Hindi umano ipinagpaalam ng tiyuhin sa ina ang bata na isasama niya ito, at sa lola lang ng bata nagpaalam.

Hindi rin umano alam ng lola na magpupunta ang kaniyang anak at apo sa Minglanilla.

Humingi ng paumanhin ang driver ng truck at sinabing hindi na niya naiwasan ang bata.

Tinanggap naman ng ina ng biktima na isang aksidente ang nangyari at hindi na niya kakasuhan ang driver, sa kundisyong tutulungan sila sa gastusin para sa maayos na libing ng bata.

TRAK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with