Amihan patapos na, tag-init asahan

MANILA, Philippines — Inaasahang matatapos na ang panahon ng amihan o malamig na temperatura sa bansa.
Ayon kay Joey Figuracion ng Pagasa, sa unang bahagi ng Marso ay malamang na matapos na ang amihan na hudyat na ito ng pagbabago ng temperatura papuntang summer season.
Ito anya ay transition period na mula sa malamig at tagtuyot patungo sa mainit at tagtuyot.
Ang pagtatapos ng panahon ng Amihan ay ang pagtatapos na rin ng mas malamig na panahon sa bansa.
Karaniwang nararanasan ang summer season sa bansa o ang mainit na panahon tuwing Marso.
- Latest


















