Nigerian pumalag sa holdap, binoga!
MANILA, Philippines — Nasa malubhang kalagayan ang isang Nigerian national nang barilin sa kanyang likuran ng dalawang lalaki matapos umanong manlaban habang hinoholdap kamakalawa sa Brgy. San Francisco, Gen. Trias City.
Kinilala ang biktima na si Cypril Chiedozie, 32 anyos, residente ng Imus City, Cavite.
Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-3 ng madaling araw habang naglalakad at pauwi na si Chiedozie sa may Tropical Village Pabahay ng naturang barangay galing sa kanyang girlfriend nang bigla siyang sinabayan ng dalawang lalaki at nagdeklara ng hold-up.
Pilit na kinukuha ng mga suspek ang cellphone at pera ng biktima pero nagtangka siyang manlaban dahilan upang barilin ng mga suspek.
Nang bumagsak ang biktima, mabilis na kinulimbat at tinangay ng mga suspek ang lahat ng kanyang pera, alahas at cellphone saka sila tumakas.
- Latest















