^

Bansa

Driver pisak sa 12-wheeler truck

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines — Nalasog ang isang driver matapos madaganan ng minamanehong 12-wheeler truck habang dalawang kasamahan ang sugatan sa National Road, Purok 5, Barangay Tanauan, Real, Quezon, kamakalawa.

Agad nasawi ang biktima na si Roberto Domingo, 55, may-asawa ng Rodriguez, Rizal habang bahagyang nasugtan ang co-driver na si alyas “Jose”, 46, at pahinanteng si “Elly “, 27, binata.

Alas-12:45 ng hapon, habang minamaneho ni Domingo ang 12-wheeler dump truck na kargado ng buhangin at graba nang nawalan ito ng preno. Dito nataranta ang pahinante at co-driver ng biktima kung kaya’t tumalon sila mula sa trak sanhi ng kanilang pagkakasugat. Hinabol ng dalawa ang trak na nagpatuloy sa pag-andar patungo sa kurbadang bahagi ng kalye habang nagtangka ring tumalon ang biktima subalit tumikwas na ang trak at tuluyan na siyang nadaganan.

DOMINGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with