P270 milyong smuggled yosi ibinenta: 2 BOC employees timbog!

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Bienvenido Y. Rubio na may mananagot sa sandaling makumpirma ang mga impormasyon na ilang tauhan ng ahensya ang sangkot sa tangkang pagbebenta ng P270 million na halaga ng smuggled na sigarilyo na nakumpiska sa Capas, Tarlac.
Una nang iniulat ng National Bureau of Investigation (NBI) na iniimbestigahan nila ang posibleng pagkakasangkot ng ilang tauhan ng BOC sa nabuking na attempted resale ng smuggled cigarettes.
“I already instructed the Intelligence Group’s Customs Intelligence and Investigation Service to look into this matter and report to me immediately. The NBI has our full cooperation and I promise that anyone found involved in this will be held accountable. Heads will roll,” ayon kay Rubio.
Samantala, sinabi ni Port of Subic Acting District Collector Marlon Fritz Broto na inatasan na ng Office of the District Collector (ODC) ang Acting Chief ng Auction and Cargo Disposal Unit (ACDU) na bumuo ng team at makipag-ugnayan sa NBI at sa local government unit.
Ang mga sangkot na kontrabando ay magkakahiwalay na dumating sa Port of Subic sa pagitan ng July 2021 at June 2022. Dahil abandonado ang kargamento ay kinumpiska na ito at iniutos na maisailalim sa disposal noong 2023. Noong Jan. 6 at Feb. 9 ay inumpisahan na ang pag-condemn sa mga kontrabando na nasa 5 containers.
Sinabi ni Broto na batay sa kanilang imbestigasyon, lumitaw na ang operasyon ng NBI ay nangyari kasabay ng “shift change” ng mga tauhan ng ACDU, ESS, at CIIS sa Port of Subic Customs na nagbabantay sa ginagawang condemnation process sa mga kontrabando.
- Latest