^

Bansa

69% Pinoy pabor ituloy AKAP – OCTA

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pabor ang 7 sa bawat 10 Pinoy o 69% na ipagpatuloy at palawakin pa ang Ayuda para sa Kapos ang Kita (AKAP) program ng gobyerno na mahalaga umano sa mga mahihirap na pamilya.

Ito ay batay sa resulta ng Tugon ng Masa (TNM) nationwide survey ng OCTA Research sa isinagawang face-to-face interview mula Enero 25 hanggang 31, 2025 sa 1,200 respondents.

Ayon sa survey, 79% ng mga Pilipino ay alam ang AKAP— 88% sa Visayas, 85% sa Minda­nao, at 81% sa Metro Manila, na isang indikasyon na malaking bahagi ng populasyon ang nakakaalam nito.

Ang suporta sa pagpapalawig ng AKAP ay suporta ng lahat ng socio-economic classes na naitala sa 69% na patunay na kinikilala ang programa anuman ang estado sa buhay.

Sa mga rehiyon, ang Balanse ng Luzon ang nakapatala ng pinakamataas (74%) at pinakamababa naman sa Visayas (63%). Pinakamataas ang suporta sa AKAP sa mga urban ­areas (72%) at pinakama­rami ang mga lalaking pabor sa programa (67%).

Ang MIMAROPA region ang nakapagtala ng pinakamataas na suporta (100%) na sinundan ng Cagayan Valley (82%) at Central Luzon (85%). Ang pinakamababang suporta ay naitala sa Northern Mindanao (49%), CARAGA (42%), at BARMM (52%).

AKAP

OCTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->