Panganganak sagot na ng PhilHealth
![Panganganak sagot na ng PhilHealth](https://media.philstar.com/photos/2025/02/08/pjh_2025-02-08_00-06-19.jpg)
MANILA, Philippines — Sasagutin na ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang lahat ng gastusin sa panganganak ng mahihirap.
Ito’y ayon sa isinusulong na House Bill 11414 o Expanded Maternity Care Package for Indigents and Financially Incapacitated Act, na inihain ni Rep. Jose Teves Jr.
Sa nasabing panukala, sagot na ng PhilHealth ang lahat ng gastos ng mga mahihirap o kapos sa buhay na mga buntis, at makamit ang “No Balance Billing Policy” ng administrasyong Marcos Jr.
Nangangahulugan na ang magbabayad sa gastos ng pasyente pagdating sa antenatal care, normal delivery man o cesarean section, at newborn care.
Sa kasalukuyan, P6,500 hanggang P20,000 lang ang sinasagot ng PhilHealth sa mga miyembrong manganganak, at depende pa ito sa uri ng delivery.
Diin ng mambabatas, hindi sapat ang halaga na ito para sa gastusin sa pre at post-natal health care services.
Sa kabila ng pinalawig na PhilHealth benefit package at sobra-sobrang pera ng state health insurer ay napag-iwanan ang iba pang health care components, gaya ng maternity care benefits.
Aniya, ibigay sa mga nangangailangan ang dapat na benepisyo.
- Latest