^

Bansa

Sulong Mga Batang Quiapo namayagpag sa SWS survey

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patuloy na umaani ng suporta ang party-list group na Sulong Mga Batang Quiapo (#29) mula sa mga botante para sa 2025 mid-term elections.

Sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) na ginawa nitong December 12-18, 2024, nasa ika-25 ang Batang Quiapo na may 1.07 percent voter preference, sa kabuuang 156 party-list na naghahangad makasungkit ng upuan sa House of Representatives.

Ayon sa Commission on Elections (Comelec), nasa 63 upuan ang paglalabanan para sa mga party-list, at batay sa resulta ng survey, malinaw na mataas ang tsansa na makasungkit ng puwesto ang Batang Quiapo sa mababang kapulungan ng Kongreso sa darating na 2025 polls.

“We are very happy that more people are supporting the genuine advocacies of truly marginalized sectors, which is what party-list representation should be all about,” ayon kay Batang Quiapo spokesman Atty. Ruskin Principe, na isa rin sa mga nominado ng grupo.

“Ipinagmamalaki natin na hindi konektado ang Batang Quiapo sa alinmang politiko o miyembro ng political dynasty, sa halip ay suportado tayo ng marginalized sector na ating kinakatawan. Binuo ang ating grupo upang isulong ang kapakanan at karapatan ng ng mga street vendors sa buong bansa, mga minimum wage earners pati na ang mga kababayan nating walang sariling bahay,” dagdag pa nito.

Aniya, kung mabibigyan ang Batang Quiapo ng pagkakataon na makapagsilbi sa Kongreso, sila ang magiging tinig ng mga naturang sektor sa national level.

SWS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with