Ashfall ng Kanlaon umabot na sa Iloilo, Guimaras
MANILA, Philippines — Umabot na hanggang sa lalawigan ng Iloilo at Guimaras ang ashfall mula sa pumutok na Bulkang Kanlaon sa Negros.
Dulot nito, pansamantalang lumipat sa mga tents ang mga student athletes sa Nueva Valencia, Guimaras dahil sa ashfall.
Binalot din ng abo ang mga nakaparadang sasakyan sa Tagbauan, Iloilo samantalang nanatili naman sa ibat ibang evacuation centers ang mga residente sa Negros Occidental.
Sa La Castellana town, anim na campus naman ang nagsisilbing evacuation centers.
Isa sa mga evacuee na si Mary Ann Delfania ang nakasaksi sa pagputok ng bulkan.
“Nakakatakot talaga. Ni-nerbyos talaga ako. Parang umapoy siya at may kasama pang mga bato. Iba talaga,” pahayag ng evacuee na si Mary Ann Delfania.
Nasa 87,000 katao na ang ililikas ng Office of Civil Defense (OCD) sa naturang mga lugar at ilan sa mga residente ay nagkakasakit na dahil sa ashfall.
- Latest