^

Bansa

Learn, play, win: Saya at papremyo dala ng GCash sa mga malls ngayong Pasko

Pilipino Star Ngayon
Learn, play, win: Saya at papremyo dala ng GCash sa mga malls ngayong Pasko
Hatid ng Barangay GCash ang mga palaro at pa-premyo para sa mga mall goers upang maibahagi ang iba’t ibang lending products na makakatulong sa pang araw-araw na gastusin

MANILA, Philippines — Sa dami ng mga alalahanin ng bawat Pilipino, hindi maiiwasang makaligtaan ang pag-asikaso ng pondo para matugunan ang lahat ng gastusin. Sa mga panahong kailangan ng extra cash kapag nalagay sa alanganin ang mga bayarin, naghahatid ang Barangay GCash ng iba’t ibang paraan para makatulong sa paglaan ng pondo sa kahit anong pangangailangan.

Kung ikaw ay nasa Quezon City, Manila City at Davao City, abangan ang pagdating ng Barangay GCash—may palaro at papremyo na, maaari mo pang malaman paano makakatulong ang GCash sa mga pangaraw-araw na gastusin, mga biglaang bayarin, at anumang financial goal na nais mong makamit.

Makisaya sa Barangay GCash!

Dala ng Barangay GCash ang iba’t ibang interactive booth activity upang ipaalam kung paano ka matutulungan ng GCash sa pangaraw-araw na gastusin man o mga bagay na hindi inaasahan.

Para sa mga magaling humakot, subukan ang Ipit-Credit booth at saluhin ang mga lumilipad na gold card upang makaipon ng points na pang-redeem ng mga premyo sa Barangay GCash tindahan. Alamin dito kung paano ka matutulungan ng always-ready credit line ng GCredit sa mga panahong gipit.

Sa Salo Sa-Loan, pabilisan ng kamay na masalo ang mga stick na halos sabay-sabay nahuhulog. Gaya ito ng pagsalo ng instant cash loan na GLoan upang matulungan ka sa mga sabay-sabay na gastos.

Kung installment ang hanap mo, punta na sa Hati-Untian kung saan paramihan ng mahahating price tag para makapanalo ng premyo. Ito ang hatid ng GGives, kung saan mahahati mo ang mabigat na gastusin sa mas maliliit na bayarin sa pamamagitan ng installment na walang downpayment at maluwag na payment terms.

Pwede rin bumisita sa Kaya Today tindahan para malaman ang iba’t ibang paraang makakatulong ang GCash sa pag-manage ng iyong pondo; Scan to Pay sa mga piling merchants, Buy or Borrow Load, at Pay Bills na pwedeng gawin lahat sa iisang app. Kung nais mo rin magkaroon ng GCash card, agaran mo itong makukuha sa pagbisita ng Barangay GCash sa mga mall ngayong Disyembre.

At syempre, hindi dapat kaligtaan ang pag-set ng financial goals sa buhay. Sa Goal Mo Na Yan, alamin kung paano makakahiram agad ng pondo sa GCash, kahit ano pa man ang pangangailangan. Mapa-edukasyon, medikal, travel, or pang-bahay man, sagot ka ng GCash Lending.

Lahat ng lalahok sa mga palaro ng GCash ay pwedeng manalo ng mga premium items mula sa GCash!

Borrow with Gcash

Sa lahat ng pangangailangang kailangang hiraman, may sagot ang GCash lending para sa’yo.

Alamin ang iba’t ibang produkto ng GCash Lending sa pagbisita mo sa Barangay GCash Booths: GLoan, ang instant at easy cash loan solution kung saan makakahiram ng hanggang PHP 125,000 diretso sa iyong e-wallet; GGives, ang installment loan service para mapagaan ang mga gastusing hanggang PHP 125,000 sa installment plan na pwedeng bayaran hanggang 24 months; at GCredit, ang flexible credit line hanggang PHP 50,000 para sa pangaraw-araw na bayarin, kasama na ang mga pamili o mga piling billers. GLoan, GGives, and GCredit are subject to eligibility. Terms and Conditions apply.

Mayroon ding GLoan Sakto na nagpapahiram sa eligible users ng kasingbaba ng PHP 100 para sa maliliit at biglaang bayarin. Bukod sa cash, pwede ka rin humiram sa Borrow Load para makakuha ng prepaid mobile o broadband promos na maaaring bayaran sa loob ng 14 na araw. GLoan Sakto and Borrow Load are subject to eligibility. Terms and Conditions apply.

Kasunod ng pagbisita ng Barangay GCash sa mga barangay ng Metro Manila, nais maparami ng Barangay GCash ang mga Pilipinong matutulungan sa pagdala ng mga booths sa mga mall. Abangan ang Barangay GCash para makapanalo ng mga papremyo, makisaya sa mga palaro, at malaman paano matutugunan ng GCash ang iyong mga pangangailangan sa pangaraw-araw hanggan sa iyong kinabukasan. Borrow with GCash!

Darating ang Barangay GCash sa mga mall sa Quezon City, Manila City, and Davao City. Para sa karagdagang kaalaman, sundan ang official pages ng GCash.

Maaaring ma-access ang GCredit, GGives, GLoan, GLoan Sakto, and Borrow Load sa GCash dashboard o i-click ang “Borrow” button. GCredit, GGives, GLoan, GLoan Sakto and Borrow Load are subject to eligibility. Terms and Conditions apply.

Wala pa ring GCash? Download the GCash App from the Apple App Store, Google Play Store, or Huawei App Gallery. Kaya mo, i-GCash mo. 

 


Editors Note: This branded press release for GCash is not covered by Philstar.com's editorial guidelines. 



 

GCASH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with