Nakatiwangwang na mga proyektong kalsada, inireklamo
MANILA, Philippines — Kinastigo ng mga residente ng Aklan ang napabayaan at nakatiwangwang na mga proyektong kalsada sa kanilang bayan.
Ito’y nang maaksidente at masugatan ang dalawang babaeng motorista sa nakatiwangwang at hindi tinapos na kalsada sa barangay Calimbajan, Makato, Aklan.
Ayon sa mga residente, ang kalsadang ito ay isa sa mga proyektong basta na lamang umanong iniwan at hindi tinapos sa takdang panahon ng completion date ng proyekto na nagdudulot ng malaking panganib sa mga motorista at mga naglalakad sa lugar.
Bukod dito, inireklamo din ng mga residente ang kawalan ng sapat at kaukulang safety measures at road signs sa lugar upang bigyan ng babala ang mga motorista sa posibleng panganib sa kalsada.
“Ang kalsada ay hindi natapos, nakatiwangwang lang, hindi konkreto at baku-bako ang daan at walang espasyo sa gilid para sa mga naglalakad, kaya’t nagiging delikado ito para sa amin na dumadaan sa kalsadang ito,” sabi ng ilang residente sa lugar.
Sinasabing higit anim na buwan nang delayed ang mga road projects na nasa ilalim umano ni Aklan Gov. Joen Miraflores.
- Latest