^

Bansa

Code white alert itinaas ng DOH

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Code white alert itinaas ng DOH
Ang Code White Alert ay hudyat ng kahandaan ng mga ospital sa anumang emergency.
PPA Pool photos by Revoli Cortez

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Department of Health (DOH) na mananatiling naka-Code White Alert ang mga pagamutan sa bansa hanggang ngayong Sabado, Nobyembre 2, dahil sa paggunita ng Undas.

Ang Code White Alert ay hudyat ng kahandaan ng mga ospital sa anumang emergency.

Ang mga healthworkers tulad ng mga general at orthopedic surgeons, anes­thesiologists, inter­nists, operating room nurses, ophthalmologists at otorhinolaryngologists ay handang tumugon anumang oras o sa mga emergency.

Kasama rin na nakaalerto ang Operations Center (OPCEN) ng mga ospital para makipag-ugnayan at mag-ulat sa mga regional at central office ng Kagawaran.

Kaugnay nito, pinapayuhan ng DOH ang publiko na planuhing bumisita sa mga sementeryo sa mga oras na hindi gaanong matao. Makatutulong din na magdala ng tubig, pagkain, first aid supplies, at payong.

Para sa mga magmamaneho, dapat tiya­king maayos ang lagay ng sasakyan sa pamamagitan ng pagsuri sa BLOWBAGSET (Battery, Lights, Oil, Water, Brakes, Air, Gas, Self, Engine, Tools).

Pinapayuhan ding ‘wag nang magmaneho ang mga puyat at nakainom ng alak.

Habang nasa sementeryo naman, tiyaking nananatiling hydrated, iwasan ang tindi ng sikat ng araw, mag-sanitize ng mga kamay, at maging alerto sa mga sintomas ng heat stroke, gaya ng pagkahilo at pagkawala ng malay.

Patuloy din ang paa­lala ng DOH sa publiko sa pamamagitan ng official Facebook page nito, para masigurong ligtas ang paggunita ng Undas.

DOH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with