^

Bansa

Tulfo, ACT-CIS nag-donate ng gamot vs leptospirosis

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Tulfo, ACT-CIS nag-donate ng gamot vs leptospirosis
Sinabi ni Tulfo na karamihan sa natatanggap nilang tawag sa kanilang tanggapan ay ang problema sa leptospirosis dahil sa mga nakababad ang mga residente sa baha partikular sa Bicol region.
PNA/ Photo courtesy of Office of Rep. Erwin Tulfo

MANILA, Philippines — Aabot sa 50 boxes o 5,000 kapsula ng Doxycycline na gamot sa leptospirosis ang ipinamahagi kahapon ni House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo at ACT-CIS partylist sa Angat Buhay Foundation ni dating Vice Pres. Leni Robredo.

Sinabi ni Tulfo na karamihan sa natatanggap nilang tawag sa kanilang tanggapan ay ang problema sa leptospirosis dahil sa mga nakababad ang mga residente sa baha partikular sa Bicol region.

“Karamihan po nang tumatawag sa atin at nagrereport sa social media at may problema sa leptospirosis kaya agad po kaming gumawa ng paraan para makakalap ng ng mga gamot para dito,” ani Tulfo.

“Lumubog kasi ang maraming bahagi ng CamSur lalo na ang Naga City noong Bagyong Kristine at ang nakakatakot ang mga tao nababad sa baha”.

“Malawak po ang bagyong ito kaya pati po sa northern luzon ay tinutulungan din po namin”, ani Cong. Jocelyn Tulfo ng ACT-CIS partylist din.

Kamakailan ay aabot din sa 2,000 sako ng bigas at P1 milyon ang ipinamahagi ni Rep. Tulfo at ACT-CIS galing sa kanilang mga personal na pondo para sa mga nasalanta ng bagyong Kristine.

Nakipag-ugnayan din ang opisina ni Tulfo at ACT-CIS sa tanggapan naman ng Angat Buhay Foundation ni dating VP Robredo para naman sa karagdagang 500 sako ng bigas na ipapakalat naman sa bayan ng Iriga at iba pang bayan sa Bicol region.

Nagpadala na rin si Rep. Tulfo ng P50,000 cash sa mga biktima ng bagyo sa San Guillermo Parish sa Talisay, Batangas.

vuukle comment

ACT-CIS PARTYLIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with