ARAL Law pinirmahan ni Pangulong Bongbong Marcos
MANILA, Philippines — Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang batas na Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) na naglalayong tugunan ang mga kakulangan sa pagkatuto dulot na rin ng pandemya.
Ang ARAL Law, isang prayoridad na hakbang na itinukoy ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC), ay naglalayong lumikha ng pambansang programa para sa intervention sa pagkatuto na dinisenyo at tulungan ang mga mag-aaral na nahihirapan na makasabay sa kinakailangang pamantayan para sa kanilang antas.
Ang ARAL Program ay paraa sa mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang Grade 10, partikular na bumalik o nagbabalik sa paaralan matapos magpahinga.
Gayundin ang mga hindi umabot sa minimum na antas ng kasanayan sa pagbasa, matematika, at agham; at ang mga bumabagsak sa mga pagsusulit batay sa buong taon ng pag-aaral.
Tututok din ito sa pagpapabuti ng kakayahan ng mga estudyante sa mga mahahalagang larangan ng pagkatuto, kabilang ang pagbasa at matematika para sa mga Baitang 1 hanggang 10, at agham para sa mga Baitang 3 hanggang 10.
- Latest