^

Bansa

LTO kinalampag: Pabilisin produksyon ng mga plaka

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
LTO kinalampag: Pabilisin produksyon ng mga plaka
Habang may pahayag ang LTO na resolbado na umano ang supply shortage para sa motor vehicles, idiniin ni Tolentino na nananatiling malaki ang backlog para sa milyun-milyong motorcycle riders.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Nagpasalamat si Senate Majority Leader Francis ‘Tol’ Tolentino sa Land Transportation Office (LTO) sa pagpapalawig nito hanggang Disyembre 31 ng ‘grace period’ para patuloy na magamit ang temporary o improvised license plates nang walang bantang huli o multa.

Habang may pahayag ang LTO na resolbado na umano ang supply shortage para sa motor vehicles, idiniin ni Tolentino na nananatiling malaki ang backlog para sa milyun-milyong motorcycle riders.

Paliwanag pa nya: “Sa Cebu, ang naging ‘solusyon’ ay papilahin ang mga rider para makakuha ng sertipikasyon mula sa LTO bilang patunay na wala pa silang natatanggap na plaka. Kailangan din nilang magbayad ng P40 para rito, at kapag sila’y nahuli, P5,000 ang multa. Napakalaki!”

“Huwag sanang parusahan ang motorcycle riders para sa problemang wala naman silang kinalaman. Pinapahirapan sila imbis na hayaang bumiyahe at makapag-hanapbuhay,” ani Tolentino.

Ayon pa sa senador, makatwiran lamang na dapat isabay sa pag-iisyu ng plaka ang paglalabas ng Official Receipt/Certificate of Registration (OR/CR), dahil kasama ito sa bayad ng bumibili ng sasakyan.

Nakiusap din ang senador sa LTO na huwag nang mag-isyu ng karagdagang prohibisyon sa mga rider habang hinihintay ang pagsasabatas ng Senate Bill No. (SBN) 2555 na kanyang inisponsor na layong alisin ang ‘double plate requirement’ para sa mga motorsiklo sa ilalim ng kontrobersyal na ‘Doble Plaka’ Law (Republic Act 11235).

vuukle comment

LAND TRANSPORTATION OFFICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with