^

Bansa

Pagbusisi sa OVP budget, walang pulitika – Pangulong Marcos

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Walang kinalaman sa politika ang pagbusisi ng mga mambabatas sa panukalang budget ng Office of the vice-president (OVP).

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isang ambush interview, bahagi ng proseso ng budget deliberation na alamin kung saan at kung ano ang pagkakagastusan sa pondo ng bayan.

Kada taon ay ginagawa ito sa bawat ahensiya ng gobyerno kaya wala umano itong kinalaman sa politika kundi tungkol sa budget lang na tungkuling gawin ng Senado at Kamara.

“So, parang malayo sa pulitika ‘yun,” anang Pangulo.

Matatandaan na sinabi ni Vice President Sara Duterte na pinupulitika ng mga kaalyado ni Pangulong Marcos ang budget ng OVP.

Nilinaw naman ng Pangulo na hindi sila nagkakausap ni Duterte simula nang magbitiw na kalihim ng DepEd noong Hulyo.

Iginagalang naman ni Marcos ang paghingi ng tawad ni Duterte sa mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ nang umapela noon na iboto ang Pangulo.

“That’s her prerogative. I still don’t understand why. That is her wish, wala tayong magagawa,” ayon pa kay Marcos.

vuukle comment

OFFICE OF THE VICE-PRESIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with