^

Bansa

Paghalughog sa KOJC compound, 50% pa lang-PNP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Paghalughog sa KOJC compound, 50% pa lang-PNP
Members of the Philippine National Police (PNP) are seen outside the Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound in Davao on August 29, 2024
Diana Lhyd Suelto

MANILA, Philippines — Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na nasa 40 hanggang 50 porsyento pa lamang ang ginagawang paghahalughog sa loob ng compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) upang isilbi ang warrant of arrest sa puganteng si Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon kay PNP Spokesperson PCol Jean Fajardo, masyadong malaki ang KOJC compound na pinagtataguan ni Pastor Apollo Quiboloy kaya pahirapan sa kapulisan ang paghahanap ng pulisya.

Nasa 30 hectares ang laki ng KOJC at mayroon pang underground facilities na kailangan na inspeksiyunin ng mga pulis.

Nagpapatuloy pa rin ang pag-iinspeksyon ng mga pulis sa mga istraktura at mga lugar na may nade-detect silang “human life”.

Sa video na ipinakita ni DILG Secretary Benjamin Abalos Jr. na kuha sa mga unang araw ng paghahanap kay Quiboloy, makikita ang pasikut-sikot na structural designs ng gusali sa loob ng 30-hectare estate. Natuklasan din ng mga pulis ang “secret passageway” patungo sa isang kwarto at 42 gusali sa loob ng compound.

Nakikipag-ugnayan na sila sa Davao City Engineer’s Office para madetermina ang lahat ng uri ng kwarto at daanan sa loob ng compound na nakadeklara sa construction plan na isinumite ng grupo.

Hindi rin nakaligtas ang nakitang mga Molotov bombs at bolos na natuklasan ng kapulisan sa roof deck ng gusali.

Sinabi ni Abalos na naglagay ang mga taga-suporta ni Quiboloy ng barbed wires at live electrical wires sa loob ng compound.

Samantala, sinabi ni Police Regional Office (PRO) 11 (Davao) spokesperson Maj. Catherine Dela Rey na naniniwala sila na nasa compound pa rin si Quiboloy.

Nauna rito, pinasinungalingan ng PRO-11 ang lumabas na social media posts na bobombahin nito ang cathedral sa loob ng KOJC compound.

vuukle comment

APOLLO QUIBOLOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with