^

Bansa

Ina ng Tulfo bros. pumanaw na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Ina ng Tulfo bros. pumanaw na
ACT-CIS Representative Erwin Tulfo announced the passing of his mother, Caridad Teshiba Tulfo, on Tuesday.
Facebook/Erwin Tulfo

MANILA, Philippines — Mabigat sa puso na ipinababatid ng pamilya Tulfo na ang kanilang pinakamamahal na ina na si Gng. Caridad Teshiba Tulfo, ay sumakabilang buhay na kahapon, Agosto 27, sa edad na 97, dahil sa natural na kadahilanan, at ngayon ay kapiling na ng ating Panginoong Maykapal.

Inulila ni Mommy Caring ang kanyang mga anak na sina Ramon Jr. , Tuchi, Wanda, Ben, Bong, Joseph, Raffy, Erwin at Edel, gayundin ang kanyang mga manugang, at mga apo.

Para sa mga nais na makiramay sa pamilya, si Mommy Caring ay maaaring masilayan sa Sanctuarium, na matatagpuan sa kanto ng Araneta at Quezon Avenue, Quezon City, simula sa Miyerkules, Agosto 28, ganap na alas-6:00 ng gabi.

Ang kanyang mga labi ay ihihimlay naman sa Heri­tage Memorial Park, Taguig sa Linggo, Setyembre 1, ganap na alas-11:00 ng umaga.

Hiling ng pamilya, na sa halip na magpadala ng mga bulaklak, ay maaaaring magkaloob na lamang ng donas­yon sa mga religious/ charitable institution ng kanilang ina na kinabibilangan ng:

1. Account Name: Emmanuel Servants of the Holy Trinity Foundation Inc.: Bank: Chinabank, Acct: 1500342115.

2. Account Name: Providence: Home of St. Joseph - Davao Inc.; Bank: BPI; Acct: 0009433-0722-32.

vuukle comment

CARIDAD TESHIBA TULFO

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with