^

Bansa

Marcos: Walang human rights violation sa PNP ops sa KOJC

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Walang nakikitang human rights violation si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na may pang-aabuso sa operasyon ng Philippine National Police (PNP) sa Davao City.

Sinabi ng Pangulo na walang armas at hind gumamit ng tear gas ang mga pulis sa paghahalughog sa compound ni Quiboloy.

“Meron bang human rights violation kung maraming pulis? I don’t think so. The reason we did this was so that we can contain the peace,” sinabi pa ng Pangulo.

Iginiit pa ni Marcos na ang isang paraan para mapanatili ang kapayapaan ay masiguro na ligtas at secure ang lugar dahil mayroon itong 30-ektaryang compound kaya kailangan ng maraming tao at hindi ito maaaring gawin lang ng isang dosenang pulis.

Kasabay nito, nanindigan naman ang Pangulo na walang halong pulitika ang pag-aresto kay Quiboloy.

Ang dapat aniya ay sumuko na lamang si Quiboloy para matapos na ang gulo at huwag nang idamay at isabak ang kanyang mga tauhan na wala namang kasalanan.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with