^

Bansa

Chinese vessels hinabol, binangga, binomba ng tubig barko ng Pinas

Joy Cantos, Mer Layson, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Chinese vessels hinabol, binangga, binomba ng tubig barko ng Pinas
Handout photo from Philippine Coast Guard shows a China Coast Guard vessel firing a water cannon at a Philippine boat on a resupply mission.
Philippine Coast Guard

MANILA, Philippines — Hinabol, binangga at binomba ng water cannon ng mga Chinese Coast Guard (CCG) vessels ang BRP Datu Sanday ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) kahapon ng umaga.

Bandang alas-10:30 ng umaga kahapon nang  simulang harangin ng mga Chinese ang Philippine vessel na nasa 10 nautical miles malapit sa Sabina shoal.

Patuloy lamang sa kanilang misyon ang BRP Datu Sanday hanggang bandang alas-2 ng hapon, nang gitgitin at pagbabang­gain ng CCG ng higit limang beses ang naturang barko.

Dito ay pinalibutan ng CCG 3104, 4102, 21555, 21551, at ilang militia vessels ang BRP Datu Sanday at sabay-sabay na inatake ng water cannon na tinatarget ang navigational equipment ng naturang Philippine vessel ng BFAR.

Matatandaan na ang CCG 21551 ang bumangga sa BRP Bagacay na naging dahilan ng malaking butas sa barko noong Lunes ng madaling araw.

BFAR

CCG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with