^

Bansa

Digong itinurong ‘utak’ sa EJK ng 3 Chinese drug lord sa Davao prison

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Itinuro si dating Pangulong Rodrigo Duterte na mastermind umano sa Extra Judicial Killings (EJK) ng tatlong convicted Chinese drug lords sa loob ng maximum security facility ng Davao Prison at Penal Farm (DPPF) sa Davao del Norte noong 2016.

Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Quad Comm, pinangalanan ng dalawang tumestigong inmates na sina Leopoldo Tan Jr. at Fernando Magdadaro na si Digong umano ang nag-utos para itumba ang tatlong Chinese drug lords na nakapiit sa DPPF na kanilang pinagsasaksak hanggang sa mamatay.

Kinilala ang tatlong Chinese na sina Chu Kin Tung alyas Tony Lim; Li Lan Yan alyas Jackson Lee at Wong Meng Pin alyas Wang Ming Ping. Nasentensyahan sa illegal drug trade ang tatlo, dalawa sa mga ito ay una nang na-convict sa pag-operate ng drug laboratory sa Parañaque.

Ayon kina Tan at Magdadaro, nangyari ang insidente noong Agosto 2016.

Sinabi ni Tan na binisita umano siya ng kaniyang high school classmate na si SPO4 Arthur “Art” Narsolis, dating PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief sa Davao City.

“May ipapatrabaho ako sa iyo at may basbas ito sa taas. Baka matulungan ka rin namin na makalaya, kakausapin namin ang Presidente (dating Pangulong Rodrigo Duterte),” ayon kay Tan.

P3-M umano ang alok sa kanila para itumba ang tatlong Chinese o tig-P1M bawat isa.

Kinausap umano ni Tan si Magdadaro, dating rebeldeng NPA upang makatulong niya para patayin ang tatlong Chinese na nakapiit sa foreign ward.

Si Supt. Gerardo Padilla, ayon pa kay Tan ang namamahala sa piitan na nakilala niya rin sa pagbisita ni Narsolis kung saan nagbigay ito ng larawan ng mga itutumbang Chinese at noong gabi ng Agosto 13 ay isinagawa nila ang krimen na ang ginamit na balisong ay ibinigay naman ni Leo Pinkihan, mayor sa bartolina.

Inamin ni Tan na pinatay niya si Wang habang si Magdadaro ay sina Tung at Yan.

Matapos mapatay ang tatlo ay inatasan umano sila ni Padilla na itapon ang balisong na ginamit sa krimen habang narinig pa nila na tinawagan ang opisyal ni ex-pres. Duterte na sinabing “Congratulations, job well done.”

Nabosesan umano ni Tan si Duterte dahil naka-speaker phone ang cellphone nito at nagkataong dalawang hakbang lamang ang layo niya rito.   Gayunman, hindi umano tumupad sa usapan na P3-M dahil tig P1M lamang ang natanggap ng kanilang mga misis at hindi rin sila pinalaya na nakasuhan at humaba pa ang sentensiya sa panibagong kasong homicide.

Samantala, inihayag naman ng Quad Comm na krusyal sa imbestigasyon ang expose ng nasabing mga inmates sa posibleng kaugnayan ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), illegal drug trade at EJKs sa madugong drug war ng nagdaang administrasyon.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with