Philippine Maritime Zones Law, niratipika ng Senado
MANILA, Philippines — Pormal nang niratipika ng Senado ang pinal na bersiyon panukalang Philippine Maritime Zones bill matapos isalang ang committee report hinggil sa disagreeing provision sa Mababang Kapulungan.
Inisponsor ni Senate Majority Leader Francis Tolentino ang bicameral conference committee report na nagtatakda ng pagsasanib ng artikulo na may kinalaman sa panloob na karagatan, kabilang ang archipelagic waters.
“I think we have now a clearer bill with the forthcoming approval of the Archipelagic Sea Lanes law, this would be as clear as day,” sabi ni Tolentino.
Inaprubahan ang bicameral conference committee report noong July 17. Nililinaw ng batas ang karapatan ng bansa sa ating teritoryo.
Nasa Palasyo na ang maritime zones bill at naghihintay na lamang ng lagda ng Pangulo upang maging ganap na batas.
- Latest