^

Bansa

Pinoy na mahirap nabawasan noong 2023

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Pinoy na mahirap nabawasan noong 2023
Residents go about their daily routines in the urban community in Binondo, Manila on April 23, 2024.
Edd Gumban / The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Bumaba ang bilang ng mahihirap na Pinoy sa nagdaang taong 2023.

Batay sa tala ng Philippine Statistics Authority, bumaba sa 10.9% ang poverty incidence sa mga pamil­yang Plipino noong 2023 mula sa 13.2% noong 2021.

Katumbas ito ng 109 sa bawat 1,000 pamilya na matatawag na mahirap.

Sa usapin ng populasyon, bumaba rin ang kahirapan sa 15.5% mula sa 18.1% noong 2021.

Ayon kay PSA Chief at National Statistician Dennis Mapa, katumbas ito ng 17.54 milyon ang bilang ng mahihirap na Pilipino noong 2023, na mas mababa ng 2.36 milyon sa naitala noong 2021.

Metro Manila pa rin ang may pinakamababang poverty incidence na nasa 1.8% habang ang BARMM ang may pinakamataas na poverty incidence na umabot sa 32.4%.

Kaugnay nito, ang average poverty threshold para sa pamilyang may limang miyembro noong 2023 ay nasa P13,873 kada buwan na mas mataas ng 15.6% kumpara noong 2021.

Bumaba rin sa 4.84 milyon ang bilang ng mga Pilipinong “food poor” noong 2023.

vuukle comment

PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with