^

Bansa

Bong Go, ginawaran ng Outstanding Senator award

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dahil sa kanyang walang tigil na paglilingkod sa mga Pilipino, pinarangalan muli bilang “Outstanding Senator” si Senator Christopher “Bong” Go sa 8th Mandatory Continuing Legal Education (MCLE) Accredited National Convention of Public Attorneys Office noong Martes sa Philippine International Convention Center sa Pasay City.

“Sa lahat ng kawani ng Public Attorney’s Office, maraming, maraming salamat sa inyong serbisyo dahil kayo ang takbuhan ng ating mga mahihirap na kapwa Pilipino,” sabi ni Go sa kanyang talumpati.

“Isa sa mga opisinang nakalinya po sa aking advocacy ay ang Public Attorney’s Office. Alam nyo kung bakit? Kasi naniniwala ako na kayo po ang lapitan ng mga mahihirap. Tulad ng aking opisina, kayo po yung opisinang pwedeng lapitan ng mga helpless at hopeless,” dagdag niya.

Binanggit din ni Go, chairperson ng Senate committees on health, on sports, and on youth, ang kanyang mga pro-poor program na layong iangat ang buhay ng bawat Pilipino at ilapit ang serbisyo-publiko sa mga tao, lalo sa mahihirap.

“Tatlo po ang aking naging prayoridad bilang chairman ng committee on health. First, Malasakit Centers. Second, Super Health Centers. Third, Regional Specialty Centers,” aniya.

Sinimulan ni Go ang programang Malasakit Cen­ters noong 2018 matapos masaksihan ang paghihirap ng mga Pilipino sa kanilang mga gastusin sa pagpapagamot.

Iminungkahi rin niya ang pagtatatag ng mas mara­ming Super Health Center sa buong bansa upang mailapit ang pangunahing pangangalaga, mga medikal na konsultasyon at maagang pagtuklas ng sakit sa mga komunidad.

Dati na rin siyang hin­i­rang na “Outstanding Se­nator” noong 5th National Convention of the Public Attorney’s Office Rank and File Employees noong 2023, sa 7th MCLE Accredited National Convention of Public Attorney’s Office Day noong Oktubre 2022, at sa 4th National Convention ng Public Attorney’s Office Rank at File Employees noong 2019.

Kinilala ni Go ang kanyang mga kapwa lingkod-bayan, kabilang si PAO chief Atty. Persida Rueda-Acosta, PAO deputy chiefs Atty. Ana Soriano at Atty. Erwin Erfe, MD, at iba pa.

Ipinangako niya na pa­tuloy na susuportahan ang kanilang mga pagsusumikap sa legal na propesyon at patuloy na isusulong ang mas mataas na pondo at mga resources para sa PAO upang mapabuti ang mga serbisyo nito.

PASAY CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with