^

Bansa

Bong Go: 87K pasyente natulungan ng Malasakit Center sa Davao Oriental

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinuri ni Senador Christopher “Bong” Go, kilala bilang “Ama ng Malasakit Centers program” ang kahanga-hangang pag-unlad ng Malasakit Center sa Davao Oriental Provincial Medical Center sa Mati City.

“Taos-puso akong nagpapasalamat at patuloy na humahanga sa dedikasyon ng ating frontliners sa Davao Oriental Provincial Medical Center. Ang Malasakit Center ay nagsisilbing tulay para maabot ng ating mga kababayan ang tulong medikal na kinakailangan nila nang walang kahirap-hirap,” sabi ni Go.

Mula sa paglulunsad nito, ang Malasakit Center sa DOPRMC ay nagkapagsilbi sa 9,454 pasyente noong 2020, tumaas sa 13,486 noong 2021, at umabot sa 23,019 noong 2022. Noong 2023, ang bilang ng mga benepisyaryo ay umakyat sa 29,715. Nito namang Hulyo 2024, ang center ay nakatulong na sa 11,920 pasyente na nagdala sa kabuuang 87,594 na nasilbihan mula nang magbukas.

“Ang bawat numero ay may kuwento ng isang Pilipinong natulungan, isang buhay na pinabuti. Patuloy tayong magsisikap na palawakin pa ang saklaw ng ­ating serbisyo sa Malasakit Center para walang maiwan pagdating sa kalusugan,” ayon sa senador.

Ang Malasakit Center ay idinisenyo upang pabilisin ang tulong medikal at pinansyal na ibinibigay ng gob­yerno sa mga Pilipino, lalo sa mahihirap at marginalized.

Pinagsasama-sama sa Malasakit Centers ang mga kinatawan mula sa DSWD, DOH, PhilHealth at PCSO.

Si Go ang pangunahing may-akda at sponsor ng Republic Act No. 11463 o ang Malasakit Centers Act of 2019 na nag-institutionalize sa Malasakit Centers program.

Sa ngayon ay may 166 Malasakit Centers ang operational sa buong bansa at nakahandang tumulong sa mga gastusin sa pagpapagamot ng mga pasyente. Ayon sa DOH, ang programang Malasakit Center ay nakapagbigay na ng tulong sa humigit-kumulang 10 milyong Pilipino.

vuukle comment

CHRISTOPHER “BONG” GO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with