^

Bansa

76 porsyento ng Pinoy suportado cellphone ban sa iskul

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
76 porsyento ng Pinoy suportado cellphone ban sa iskul
Students of Malabon National High School head back home after Malabon Mayor Jeannie Sandoval announced the suspension of classes in all levels, both public and private, on August 5, 2024.
Ernie Penaredondo/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Halos 8 sa 10 Pilipino ang sumasang-ayon sa pagbabawal sa paggamit ng cellphone sa mga paaralan.

Batay sa Pulse Asia survey na kinomisyon ni Sen. Win Gatchalian na isinagawa noong Hunyo 17-24, 2024, 76% ng 1,200 adult respondents sa bansa ang pabor sa cellphone ban sa mga paaralan.

Habang 13% ang hindi sang-ayon, 11% ang hindi nila matukoy kung sumasang-ayon sila o hindi.

Pinakamalakas ang suporta sa Class ABC (80%), kasunod ng Class D (76%), at Class E (71%).

Habang sa National Capital Region (80%), Ba­lance Luzon (79%), Minda­nao (81%) at Visayas (61%) ang pabor dito.

Batay sa pagsusuring ginawa ng Senate Committee on Basic Education sa 2022 Programme for International Student Assessment (PISA), 8 sa 10 mag-aaral na may edad 15 ang iniulat na naabala sila sa klase dahil sa paggamit nila ng smartphones, at 8 rin sa 10 ang nag-ulat na naabala sila sa paggamit ng ibang mga mag-aaral ng kanilang mga smartphone.

Noong nakaraang Hun­yo, inihain ni Gatchalian ang Electronic Gadget-Free Schools Act (Senate Bill 2706) na layong ipagbawal ang paggamit ng mga mobile devices at electronic gadgets mula Kindergarten hanggang senior high school sa loob ng mga paaralan habang may klase.

vuukle comment

STUDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with