^

Bansa

‘POGO bawal na!’ — Pangulong Marcos

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
�POGO bawal na!� � Pangulong Marcos
President Ferdinand Marcos Jr. delivers his third State of the Nation Address (SONA) on Monday, July 22, 2024 during the joint session of the 19th Congress at the Plenary Hall of Batasang Pambansa in Quezon City.
KJ Rosales/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Tuluyan nang ipinagbawal ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.

Sa mahigit na isang oras na State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo ay inanunsiyo niya ang pag-ban sa POGO, dahilan para umani ito ng sigawan at standing ovation sa mga bisita sa plenaryo ng Kamara.

“At ngayon po maririnig namin ang malakas na sigaw ng taumbayan laban sa mga POGO,” pahayag pa ng Pangulo.

Ayon pa kay Pangulong Marcos, nagpapanggap na legitimate entities ang operasyon ng POGO subalit nagdudulot ito ng mas higit pa rito na mula sa gaming ay nagiging financial scamming, money laundering, prostitution, human trafficking, kidnapping, brutal torture at maging murder.

Kailangan na aniya na matigil ang pang-aabuso at hindi pagrespeto sa ating batas at kailangan na rin matigil ang panggugulo ng POGO sa ating lipunan at paglapastangan sa ating bansa.

“Effective today, all POGOs are banned,” giit ng Pangulo.

Inatasan na rin ng Pangulo ang Philippine Amusement and  Gaming Corporation (PAGCOR) na itigil at ihinto ang operasyon ng POGOs bago matapos ngayong taon.

Habang inatasan din ni Pangulong Marcos ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa pakikipag-koordinasyon sa economic managers na hanapan ng bagong trabaho ang mga Filipino na mawawalan ng trabaho.

Sa pamamagitan aniya nito ay mareresolba ang mga problema na kanilang kinakaharap bagamat hindi naman lahat ay mareresolba nito.

“Mga minamahal kong kababayan, lagi po nating labanan ang mali at ang masama. Lagi po natin ipaglaban ang tama at ang mabuti,” pahayag pa ng Pangulo.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with