^

Bansa

Task force bubuuin ng PNP vs kumakalat na ‘fake video’ ni Pangulong Marcos

Joy Cantos, Doris Franche-Borja, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Task force bubuuin ng PNP vs kumakalat na �fake video� ni Pangulong Marcos
Sa ginawang press conference sa Camp Crame, sinabi ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na pangungunahan ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) ang task force para patunayan na “deep fake” ang naturang video.
Benhur Abalos/Facebook page

MANILA, Philippines — Bubuo ng task force ang Philippine National Police (PNP) para imbestigahan ang pagkalat ng pekeng video ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa aktong gumagamit umano ng ilegal na droga.

Sa ginawang press conference sa Camp Crame, sinabi ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na pangungunahan ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) ang task force para patunayan na “deep fake” ang naturang video.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO) at Department of National Defense (DND), kaduda-duda ang pagpapa­labas ng video na galing sa grupong Maisug at inilabas sa isang rally sa Los Angeles sa Amerika.

“The obviously fake video being circulated ema­nating form a MAISUG gathering in Los Angeles is again a maliciously crude attempt to destabilized the administration of President Ferdinand MArcos Jr. They will not succeed!,” ayon sa PCO at DND.

Maging ang pagkaka-release aniya ng gawa-gawang video sa Estados Unidos ay isang karuwagan na pagtatangka para takasan ang criminal jurisdiction ng Pilipinas.

“Naglabas sila ng video kung kailan SONA, may matindi silang plano to destabilize the government, obvious naman na gawa-gawa lamang at bakit sa Amerika kasi para hindi maharap sa hustisya ang mga nasa likod nito at mapahina ang institusyon,”ayon kay Defense Sec. Gibo Teodoro.

Kasabay nito, hinikayat na ng gobyerno ng Pilipinas ang pamahalaan ng Amerika na imbestigahan ang nagpakalat ng video.

Tiniyak naman ni PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil na mananagot sa batas ang responsable sa naturang video.

Ayon kay Directorate for Investigation and Detection Management (DIDM) Acting Director Police Brigadier General Matthew Baccay, mahaharap sa criminal at civil liability ang sinumang mapatunayang nasa likod ng pagpapakalat ng pekeng Video.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with