^

Bansa

Employers binalaan sa ‘di pag-remit ng SSS contributions

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Employers binalaan sa ‘di pag-remit ng SSS contributions
“Just last week almost 100 na call center agents ang nagtungo sa opis namin para ireklamo ang kanilang kumpanya”, ani Cong. Tulfo.
Philstar.com/Irra Lising

MANILA, Philippines — Binalaan ni ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo ang mga delingkwenteng employers na bayaran o mag-remit ng Social Security System (SSS) contributions ng mga empleyado dahil may kaaki­bat ito na pagkakakulong ng anim hanggang 12-taon.

“Just last week almost 100 na call center agents ang nagtungo sa opis namin para ireklamo ang kanilang kumpanya”, ani Cong. Tulfo.

Ayon pa sa Deputy Majority Floor leader, “nalaman lang daw nila na hindi nire-remit ng employer nila ang kanilang contribution dahil ng mag-loan sana ang ilan sa kanila, eh di raw naghuhulog si employer”. May ilang teacher din sa isang private school sa Cavite ang nagsumbong na walang hulog ang SSS nila.

Paalala niya sa mga employer na kapag kinaltasan ang sweldo ng mga empleyado dapat itong i-remit o ihulog sa SSS dahil kung hindi ito ay may kaukulang parusa.

“Paalala rin po sa mga employers diyan ng mga kasambahay, family dri­vers, at mga houseboy na kailangan bayaran din nila ang SSS ng mga tauhan nila sa bahay,” pahabol ni Tulfo.

Sa mga naagrabyadong manggagawa, magtungo lang sa tanggapan ng ACT-CIS sa 81 Mother Ignacia Avenue, Quezon City para matulungan sa kanilang problema laban sa kanilang employer, ayon pa kay Tulfo.

SOCIAL SECURITY SYSTEM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with